Wika:Tangkilikin At Paunlarin Ang Sariling Atin
Ano nga ba ang wika?
- Ang wika ay isang napaka-mahalagang instrument na ginagamit natin araw-araw para makipag-komunikasyon sa ating kapwa.Binubuo ito ng iba’t ibang maaari nating magamit para maiparating ang nais sabihin ng ating isip.
Bakit mahalaga ang wika?
- Mahalaga ang wika sa kadahilanang ito ang ginagamit natin para maiphayag ang nais nating sabihin verbal man o hindi-verbal.Kung wala ang wika maaaring walang pakikipag-ugnayan ang mabuo.Ang wika ang isa sa mahalagang ginagamit natin tulad nalang sa mga pangyayaring ang mga mangangalakal o mga kaalaman ay nagpapalitang ng ideya tungkol sa isang paksa.
Paano naman natin maipapakita na ating maipapaunlad at itinatangkilik
ang ating sariling wika?
- Bigyan natin ng kahalagahan ang ating sariling wikang Filipino.
Magbasa at gamitin ang ating wika.
- Hikayatin ang kapwa nating Pilipino na gamitin pa ang ating wika.
- Gumawa tayo ng kanta,tula o iba’t ibang uri na pwede nating maipakita na ating ginagamit ito.
- Pwede nating ituro sa mga banyagang bibisita sa ating bansa.
Interesado ka bang malaman kung saan nanggaling ang ating wika?ito ay base sa bibliya.
https://www.jw.org/tl/library/magasin/wp20130901/galing-ba-ang-mga-wika-sa-tore-ng-babel/
maaari mong pindutin ang link na ito kung ikaw ay interesadong malaman.
Paalala;Ang blog na ito ay aming Perfromance Task sa Aming Asignaturang Komunikasyon.Ang ibang mga impormasyon ay base sa aking pagkakaintindi at ang iba ay base sa aking na-research.
Maraming salamat sa inyong Pag-babasa!Nawa'y inyo pang paunladin ang ating wika at tangkilikin.
Comments
Post a Comment